MAY ilan nang pagkakamali ang Aquino administration ukol sa pagtatalaga ng pinuno sa departamento at mga tanggapan ng gobyerno. Maski sa pag-aappoint ng commissioner ay nagkakamali. Hindi muna sinusuri ang background ng inia-appoint. Madaling nagtitiwala sa nagrekomenda at ni hindi sinulyapan ang nakaraan kung mayroon ba itong kaso at may dungis. Titilamsik ang dumi sa administrasyon kapag ang iniupong opisyal ay palpak. Babakat sa pamahalaan ang anumang hindi mabuting gawin ng ini-aappoint na opisyal.
May bago na namang iniupo si President Aquino sa puwesto. Nilagyan na niya ang bakanteng puwesto sa Bureau of Corrections (BuCor). Itinalaga ni Aquino si dating retired police general Franklin Bucayu bilang acting chief ng BuCor. Ilang buwan ding walang hepe ang BuCor makaraang mag-resign si Gaudencio Pangilinan noong Disyembre. Nagbitiw sa BuCor si Pangilinan dahil sa “kagila-gilalas†na pagkakakidnap kay convicted murderer Rolito Go. Kinidnap si Go habang nasa bisinidad ng National Bilibid Prison (NBP). Dinala si Go at umano’y pamangking nurse nito sa isang lugar sa Batangas. Pagkaraan ng ilang araw ay pinakawalan din sina Go. Bukod sa Go kidnapping, marami ring pangyayari sa BuCor na mahirap paniwalaan na mangyayari pero nangyari. Ang inmate na si dating Batangas governor Antonio Leviste ay labas-masok sa NBP. Binibisita umano nito ang building sa Makati. May sariling drayber pa si Leviste. Isyu rin sa NBP kung paano naipapasok ang granada sa loob. May sumabog na granada makaraang ihagis ng isang inmate. Anim ang nasugatan sa pagsabog.
Ngayong si Bucayu na ang BuCor chief, maituwid kaya niya ang mga “likong†gawain sa NBP? Kaya ba niyang putulan ng sungay ang mga “maykayang†inmates na ginagawang bakasyunan ang NBP? O kainin din siya ng masamang sistema na naging kalakaran na sa pambansang bilangguan?