^

Punto Mo

Lampong (230)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“UMALIS na kayo!”

Malakas ang pagkakasabi ni Jinky at narinig iyon ni Dick habang nakasilip sa awang ng pinto. Handa siya kung anuman ang gagawing hakbang nina Pac at Momong. Nagulat naman siya sa ipinakitang tapang ni Jinky. Mukhang hindi uurong si Jinky sa dalawa.

“Magsisisi ka, Ms. Jinky. Magsisisi ka!” Sabi ni Pac na nagsalubong ang kilay dahil sa inis kay Jinky. Nagbanta na ito. Ang kasamang si Momong ay yamot din kay Jinky.

“Umalis na kayo! Alis!” Malakas na sabi ni Jinky. Dinig na dinig ni Dick ang pagsigaw ni Jinky.

Umalis ang dalawa. Narinig ni Dick ang pagsalya ng pinto. Nakatingin lamang si Jinky sa dalawang lalaki. Nang inaakalang wala na nga ang dalawa ay saka lamang naupo si Jinky. Halatang stress na stress ito.

Hanggang sa makita ni Dick na lumapit si Tina. Pina­kinggan ni Dick ang pag-uusap ng dalawa.

“Pinagbantaan ka, Mam Jinky. Baka balikan tayo rito,” sabi ni Jinky.

“Huwag kang matakot. Wala naman tayong gina­gawang masama.”

“Kanina po ay gusto ko nang tawagin si…”

“Sino?”

“A e si kuwan po yung ka­ibigan kong pulis…” muntik nang madulas si Tina at si Dick sana ang sasabihin.

“Huwag kang matakot. Mga magagaling lang mam-bully ang mga iyon.”

“Pero dapat po tayong mag-ingat.”

“Akala siguro ay sila lang ang maaaring mag-supply ng kuhol. Meron akong alam at bukas ay makikipagsara na ako ng usapan.”

“Pero paano po kung pilitin kang singilin ng Pac na iyon. Di po ba ang sabi e hindi ka pa bayad.”

“Subukan niyang singilin uli ako at may mangyayari sa kanya.”

Napalunok si Tina. Ma­tapang pala si Mam Jinky.

“Bukas ay pupuntahan ko ang magsusuplay sa atin ng kuhol.”

“Sasamahan kita Mam Jinky.”

“Huwag na. Malapit lang naman.”

“Baka po sundan ka ni Pac.”

“Hindi ako natatakot.”

(Itutuloy)

 

HUWAG

JINKY

MAGSISISI

MALAKAS

MAM JINKY

MOMONG

MS. JINKY

PERO

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with