^

Punto Mo

Lampong (226)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAYA pala proble­mado si Jinky. Nakasilip ako kagabi habang kausap niya ang lalaki. Nag­pa­paliwanag si Jinky sa lalaki pero parang walang konsiderasyon ang lalaki.’’

“Si Bagyo po yun. Akala mo kung sino e tauhan lang siya. Masyadong mahangin ang ulo ng Bagyong iyon.”

“Ano ang dahilan at tumangging magdeliber ng kuhol?”

“Yun nga raw po, hindi pa nagbabayad si Mam Jinky pero ang totoo advanced pa nga ang bayad.”

“Ipakita ang resibo para magkaliwanagan.”

“Hindi po nag-iisyu ng resibo ang may-ari ng ku­hulan. Kaya nga po malakas ang loob na manakot.’’

“Teka, Tina ano ba itong kuhol na binibili n’yo at lub­hang mahalaga sa itik. Ipaliwanag mo nga at naguguluhan ako.’’

“Pagkain po ng itik ang maliliit na kuhol. Mahalaga po ito lalo na sa mga babaing itik. Pampatibay po ng shell ang kuhol.”

“Ah kaya pala.”

“Mahalaga po ang kuhol.”

“Wala na bang ibang mabi­bilhan ng kuhol dito, Tina.”

“Wala na po. Nag-iisa ang kuhulan sa Bgy. Ningning kaya po malakas ang loob.”

“Bakit hindi kayo mag-alaga ng sariling kuhol?”

“Masyado pong malaki ang gastos. Kailangan po e isisemento ang mga pilapil para hindi makatakas ang mga kuhol. Nagbubutas po kasi sila sa lupa. Kapag hindi nasimento, tatakas sila lahat.’’

“Ganun ba? Hindi pala basta-basta ang mag-alaga ng kuhol.’’

“Opo.”

“Paano ngayon ang ga­gawin ni Jinky?”

“Hindi pa nga po niya alam. Kapag hindi na kami sinuplayan ng kuhol madaling mababasag ang itlog. Baka paghawak pa lang ay basag na.”

“Kakaawa naman kung ganoon si Jinky.”

“Pero iba ang kutob  ko, Sir Dick.”

“Ano Tina?”

“Ginigipit po si Mam Jinky. Kapag po hindi nakaya ni Mam ang pressure ay baka i-stop na ang itikan. At iyon ang hinihintay ng mga kalaban namin. Gusto nilang sirain ang itikan ni Mam para sila ang mamayani rito. At alam mo Sir Dick,  may hinala ako na ang mga pumatay sa mga itik noong isang gabi ay mga tao rin ng may-ari ng kuhulan.”

“Posible iyon Tina. Gusto nilang agawin ang itikan na ito dahil malakas.”

“Kaya dapat maghanda na kami sa anumang mangyayari, Sir Dick.”

“Narito naman ako. Handa ko kayong ipagtanggol.”

“Salamat po.”

(Itutuloy)

ANO TINA

JINKY

KAPAG

KAYA

KUHOL

MAM JINKY

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with