^

Punto Mo

Editoryal - Drug test sa college athletes, nararapat

Pang-masa

LAGANAP ang illegal drugs ngayon. Maski sa mga liblib na lugar ay nakaaabot ang droga. Maski ang mga lugar na wala pang kuryente at kalsada ay naunahan pang marating ng droga. Ganyan kabilis ang pag­laganap ng droga. Shabu, marijuana, ecstacy at kung anu-ano pang droga ang namamayani at gina­gawang halimaw hindi lamang ang mga kabataan kundi pati mga propesyunal, artista, athletes, pulis, traysikel at jeepney drayber at marami pang iba. Pawang mga Chinese ang nag-ooperate ng shabu laboratories sa maraming panig ng bansa partikular sa Metro Manila. Marami nang nadakip na Chinese drug traffickers pero nakakatakas dahil sa malaking halaga ng pera. Merong Chinese drug traffickers na itinatakas kapalit nang malaking halaga ng pera. Tulad nang nangyari sa Trece Martires City, Cavite dalawang linggo na ang nakararaan. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang tatlong drug traffickers.

Maski mga college athletes ay gumagamit din ng droga. Nakakalungkot sapagkat sila ang dapat mag­bigay halimbawa sa mga kapwa estudyante para umiwas sa masamang bisyo pero sila pa pala ang guma­gawa nito. Noong nakaraang linggo dalawang varsity players ng Far Eastern University ang na­aktuhan ng MPD policemen na humihithit ng marijuana sa Nicanor Reyes St. corner Claro M. Recto Ave. hindi kalayuan sa kanilang school. Ang dalawa ay nakilalang sina Anthony Hargrove, 21 at Adam Mohammad, 22. Kinasuhan umano ang dalawa.

Dahil sa nangyari, sinabi ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) na dapat sumailalim sa drug test ang mga college athletes. Dapat maging eye-opener sa mga school ang nangyari.

Nararapat lang na isailalim sa drug test ang mga athlete. Sila ang dapat maging halimbawa ng kapwa estudyante. Dapat nilang i-promote ang clean living kaya nararapat nilang itakwil ang illegal na droga.

ADAM MOHAMMAD

ANTHONY HARGROVE

CLARO M

DAPAT

DRUG ENFORCE

FAR EASTERN UNIVERSITY

MASKI

MERONG CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with