PROBLEMADO ang mga opisyal sa Guam sa hindi mapigil na pagdami ng brown tree snakes sa kanilang kagubatan. Nagiging perwisyo na ang mga ahas sapagkat nagiging banta na sa iba pang hayop sa kagubatan. Nasisira umano ang natural ecosystems. Ayon sa mga awtoridad, nasa isang milyon na ang brown tree snakes sa rehiyon. Nakarating umano ang mga ahas sa Guam humigit-kumulang 60-taon na ang nakalilipas. Nakarating umano ang mga ito roon sa pamamagitan ng barko at sa pagtatago sa ilalim na bahagi ng eroplano.
Kaya nag-isip ng paraan ang mga scientist kung paano mapipigilan ang pagdami ng brown tree snakes. Isa sa paraang naisip ay paglalaglag ng mga patay na daga sa kagubatan. Ang mga daga ay mayroong lason. Ihuhulog ang mga ito ng helicopter. Lalagyan nang maliit na parachute ang mga patay na daga para sure na babagsak sa mga pinamumugaran ng mga ahas.
Hindi naman daw makapipinsala sa ibang hayop ang mga patay na daga.