“PAGPASOK mo po Sir Dick ay kumaliwa ka. May makikita kang silid. Binuksan ko na po iyon para madali kang makakapasok.’’
“Maraming salamat, Tina.â€
“Pero huwag mo pong sasabihin na ako ang nagpapasok sa’yo. Nagawa ko po lamang ito dahil alam kong seryoso ka kay Mam Jinky.’’
“Salamat uli, Tina. Hindi ko malilimutan ang tulong mo. Hindi malalaman kahit nino na tinulungan mo ako.’’
“Maski po kay Mam JinÂky huwag na huwag mong masasabi dahil malaki ang tiwala niya sa akin.’’
“Hindi niya malalaman, Tina.â€
“Marami pong salamat, Sir Dick.’’
‘Teka, Tina, saan ka ba nakatira?â€
“Diyan din po. Ako po ang kasama ni Mam Jinky. Kami lamang pong dalawa. Sa araw po ay may mga katulong kami na dalawang babae. Tagalaba at taga-luto. Pero nag-uuwian sila sa hapon.’’
“Ah ganoon ba.â€
“Kaya wala kang dapat ipag-alala dahil ako lamang ang nakaaalam na nasa loob ka ng aming bahay.’’
“Mayroon ka ring sariling silid, Tina?â€
“Opo.â€
“Halimbawa na abutin ako ng ilang araw sa bahay na iyan, may damit ba akong maisusuot? At paano ako kakain?â€
“Ako na po ang bahala run, Sir Dick. Basta pakiusap ko lang po ay mahalin mo si Mam Jinky. Kasi alam ko, mabait siya at tunay magmahal. Mayroon kasi siyang ikinuwento sa akin.’’
Napangiti si Dick. Tapat at mahusay na tauhan si Tina. Hindi nasayang ang pagtungo niya rito sa Socorro.
“Sige na po Sir Dick. Pumasok ka na. Ako ay maglilibot muna sa mga itikan at baka may mga bayawak na nakapasok. Sige na po…â€
“Salamat Tina.â€
Lumakad na si Dick. Sinunod ang mga instruction ni Tina.
Nang makapasok sa pintong nasa likuran, kumaliwa siya. Bahagyang madilim. Hanggang sa makita niya ang isang kuwarto na nakaawang ang pinto. Iyon ang kuwarto niya.
Itinulak niya ang pinto. Lumangitngit. Nag-alala siyang baka marinig iyon ni Jinky at bumangon. Baka mapagkamalan siyang magnanakaw. Baka mayroong baril at upakan siya.
Nakiramdam muna siya saka papasok sa kuwarto.
(Itutuloy)