^

Punto Mo

Tulad sa Bermuda Triangle: eroplano na may5 pasahero, biglang nawala

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PALAISIPAN kung paanong nawala ang isang eroplano habang nasa Los Roques island, Venezuela noong nakaraang buwan. Isa sa mga sakay ng eroplano ay si Vittorio Missoni ang pinuno at owner ng Missoni Fashion Business. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natatagpuan ang eroplano at wala ring sightings sa limang sakay na ito.

Umano’y umalis ang twin-engine BN-2 Islander aircraft sa Los Roques island noong nakaraang Enero 4 patungong Caracas. Umano’y 11 milya pa lamang ang layo ng eroplano nang bigla itong mawala. Walang traced kung saan napunta.

Nagsagawa ng search and rescue operation pero walang resulta. Walang makita. Hanggang ngayon isang malaking misteryo ang pagkawala ng eroplano. Ayon sa report, sa loob ng 10 taon ay marami nang nawalang eroplano  sa Los Roques kaya tinatawag itong “Los Roques curse”.

Ang pagkawala ng eroplano sa Los Roques ay nagpapaalala sa Bermuda Triangle kung saan marami na ring nawalang eroplano o barko. Ang Bermuda Triangle o the “Devil’s Triangle”, ay nasa western part ng North Atlantic Ocean.  Hindi rin maipaliwanag ang mga pagkawalang nangyayari sa Ber­muda Triangle. Isang malaking ka­babalaghan ang bumabalot sa Bermuda Triangle at ngayon naman ay sa Los Roques chain of islands.

ANG BERMUDA

BERMUDA TRIANGLE

EROPLANO

FASHION BUSINESS

HANGGANG

LOS ROQUES

NORTH ATLANTIC OCEAN

UMANO

VITTORIO MISSONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with