^

Punto Mo

‘Kalansing ng mga bituin’

- Tony Calvento - Pang-masa

TUWING nagbabayad tayo ng buwis sa pamahalaan ito ay ginagamit sa pagpapagawa ng mga ‘infrastructure projects’. Tulad ng mga paaralan, lugar libangan, maraming daanan at mga ‘waiting sheds’ na nagpapakita na mayroon tayong bansang maunlad.

Inilalathala naman sa mga pahayagan ang mga ‘Top Tax Payers­’ ng ating bayan. Tulad nila Lucio Tan, pamilyang Gokongwei at sa korporasyon naman isa na sa pinakamalaking magbayad ng buwis ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Aabot sa P5.5 bilyong piso ang kabuuang buwis na nakatakdang ibayad ng PAGCOR sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa taong 2012. Muli ang ahensya ay mapapabilang sa hanay ng malalaking ‘government corporate tax payers’. Ang PAGCOR ay magbabayad ng corporate income tax na nagkakahalaga ng 1.07 bilyong piso.  Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa 27-taong kasaysayan ng ahensya na magpapadala ito ng gayon kalaking Corporate Income Tax makaraang kumita ito ng tumataginting na 40.88 bilyong piso noong 2012. Ayon kay PAGCOR Chairman Cristino Naguiat Jr., suporta umano ito ng ahensya sa ‘tax collection campaign’ ng BIR na siyang pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan sa pagsusulong ng ilang programang pangkaunlaran. Base sa talaan ng Commission on Audit (COA) noong 2011, kabilang ang PAGCOR sa top three GOVERNMENT OWNED OR CONTROLLED CORPORATIONS (GOCC) tax payers sa buong bansa matapos na magbayad ang ahensya ng buwis na P4.9 Bilyong piso. Sinundan ng PAGCOR ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (Psalm Corp).

Sa iba pang balita tungkol sa ginagawa ng PAGCOR. Ilan sa mga local celebrities ang nagwagi kamakailan sa “Celebrity Slots for Charity Challenge” tournament na itinanghal ng Casino Filipino sa Madison Arcade, Lancaster Hotel Manila at Ronquillo Arcade. Ang mga masuwer­teng celebrities ay sina Duncan Ramos na dating lead vocalist ng bandang Southborder, si Tessa Prieto-Valdes na tanyag sa ating lipunan at si Eva Eugenio na 80’s Jukebox Diva. Ang kanilang mga napanalunang premyo ay kanilang ibibigay sa isang ‘charitable institution’ na kanilang pinili. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng perang  premyo na P50, 000 pesos pati na rin ng cash incentive na P100, 000 pesos para sa kanilang donasyon sa kanilang napiling institusyon. Ang napanalunan ni Mr. Ramos ay ibinigay niya sa “Project: Brave Kids”, isang institusyon kung saan ay nagbibigay ng mga medical na tulong para sa maralitang mga bata na may kanser­. Samantalang si Ms. Valdez ay napili ang institusyon ng Philippine Red Cross Makati Chapter. Ayon sa Project: Brave Kids’ ‘co-founder na si Sigrid Perez ang cash na donasyon ni Ramos sa pamamagitan ng PAGCOR at Casino Filipino ay gagamitin upang pondohan ang mga session ng chemotherapy ng mga bata na ang mga magulang ay hirap sa gastusin para sa gamutan ng kanilang mga anak. Samantalang, napili ni Eva Eugenio ang Golden Acres Home for the Aged bilang kanyang beneficiary ng P100, 000 pesos na donasyon mula sa PAGCOR at Casino Filipino.  Ibinahagi din ng jukebox diva na siya ay regular na nagpeperform sa maraming sangay Casino Filipino, ang “Celebrity Slots for Charity Challenge” ay ang tanging pagkakataong siya ay inanyayahan bilang isang manlalaro. “This is the first time that I actually played in the casino. I am really happy that I became lucky on my first try and was able to help the homeless elderly,” dagdag pa niya. Ang konseptong “Celebrity Slots for Charity Challenge” ng Casino Filipino ay mula kay PAGCOR’s Entertainment Department Assistant VP Bong Quintana. “When we thought of this event in July last year, our goal was to provide our celebrities a venue where they can help their chosen charities. The response we got the first time we held it at Airport Casino Filipino was simply overwhelming. The success of that event encouraged us to do more tournaments,” idinagdag pa niya.

Ayon kay Mr. Quintana, ang mga celebrities ay napakasabik na sumali dahil ang paligsahang ito ay isang ma­gandang pagkakataon para sa kanila upang magkaroon ng kasiyahan habang nagkakaroon ng pagkakataon upang makatulong sa mahihirap na tao. “All of our invited celebrity participants are supporters of several charitable institutions. They also believe in our corporation’s mission to touch the lives of the less privileged. That is our twin goals in having this kind of event – to entertain our customers and to allow our invited celebrities to help,” wika pa niya. Ang iba pang “Celebrity Slots for Charity Challenge” na mga kaganapan ay naka-iskedyul sa Marso 22, 2013 sa Casino Filipino Heritage at sa Mayo 30, 2013 sa Casino Filipino Hyatt Manila.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang PAGCOR ay isang magandang halimbawa sa tamang pagbabayad ng buwis. Hindi maitatangging patuloy na dumarami ang bilang ng mga taong nag-a-under declare at di nagbabayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng hindi pagiging tapat sa pagdedeklara ng kanilang mga kinita nung nakaraang taon. Hindi uunlad ang isang bayan at hindi maibibigay ang mga kailangang serbisyo para sa ating publiko kapag walang kukunan ng pondo. Malaki ang nakaatang sa BIR sa ilalim ng Department of Finance upang makapaglabas ng revenues patungo sa bansang maunlad.

 Ang mga institusyon katulad ng PAGCOR at Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) ay binibigyan ta­yong mga Pilipino ng pagkakataong hindi lamang masiyahan sa kanilang mga laro kundi sa bawat pisong inilalaan niyo ay malaking porsyento nito ay ibinabalik sa ating lahat. (KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392/09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.

AYON

BRAVE KIDS

CASINO

CASINO FILIPINO

CELEBRITY SLOTS

CHARITY CHALLENGE

EVA EUGENIO

PAGCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with