‘Katauhan ng smuggler’

PARE-PAREHO ang ligaw ng bituka ng mga smuggler. Lahat sila, mga walang konsensiya at walang prinsipyo. Kahit manganib ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan sa mga produktong kanilang ipinupuslit sa bansa, walang pakialam silang mga putok sa buhong masasahol pa sa mga anak ng askal o asong kalye.

Tanging mga galamay at ka-bagang lamang nila sa Bureau of Customs (BOC) ang nakaaalam ng kanilang pagkakakilanlan.

Gayunpaman, hindi nilalahat ng BITAG ang mga nasa BOC. Dahil kung wala silang mga kasabwat sa kanilang iligal na gawain, hindi magiging matagumpay ang pagpupuslit ng mga smuggler sa bansang pinapasukan ng kanilang mga produkto nito.

“Reject”o mga basura kung susuriin ang mga murang produktong kalimitang ipinupuslit ng mga smuggler. Kung hindi man, may mga problema ang kalidad at hindi pumasa sa quality assurance ng bansang pinanggalingan.

Naghahanap na rin ng mga kasapakat na dorobo ang mga smuggler upang maisagawa ang kanilang iligal na gawain. Dahil walang lehitimong may-ari ng mga pabrikang gumagawa ng mga de-kalidad na produktong bagsak presyo na ipinapasa sa mga smuggler, maibenta lang.

Patuloy ang maliligayang araw ng mga smuggler sa bansang Pilipinas. Pamilyar na sila sa takbo ng isipan ng mga Pinoy. “Basta’t mura, hala bira! Bili rito, bili roon ng mga basurang itinatambak sa ating bansa.”

Sa mga imported na produktong mula sa smuggling, eto ang dapat bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Payo ng BITAG sa publiko, mag-ingat sa mga katagang “Para sa kapakanan ng mga mamimiling Pinoy.” Mura nga subalit nakatitiyak ka ba na hindi yan basura?

Nakasisiguro ka ba sa mga murang produkto na mula sa smuggling? Sigurado ka bang hindi nalalagay sa panganib ang iyong sariling kalusugan at kaligtasan?

Sige! Ituloy nyo lang suportahan at payamanin ’yang mga anak ng mga asong askal na smuggler na ’yan!

Huwag kaligtaang subayba­yan ang BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4,  9:15 p.m. hang­­gang 10:00 p.m. Sabay ding mapapakinggan at mapapanood ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 araw-araw 10:00 a.m. hanggang 11:00 a.m.

 

Show comments