1. Mga 65 percent ng mga tao ay itinatagilid ang ulo sa kanan kapag nakikipag-lips to lips.
2. Isa sa bawat 5 mag-asawa ay umusbong ang pagmamahalan habang pareho silang may kanya-kanyang karelasyon.
3. Bumubuti ang memorya ng isang tao kapag in love.
4. Pareho lang ang reaksiyon ng katawan kapag in love at kapag natatakot—namamawis na kamay, mabilis ng tibok ng puso at paglaki ng pupil ng mata.
5. Ang mister na humahalik sa kanilang asawa araw-araw pagkagising o bago pumasok sa trabaho ay nadadagdagan ang haba ng buhay ng 5 taon.
6. Ang tradisyon ng pagbibigay ng diamond engagement ring ay nagsimula kay Archduke Maximillian ng Austria noong 15th century nang bigyan niya ng diamond ring ang kanyang fiancée, Mary of Burgundy.
7. Kung iaaplay ang mathematical theory, mainam na makipag-date muna sa 12 tao bago pumili ng makakarelasyon upang makaseguro na pangmatagalan ang magiging pagsasama ninyong dalawa.
8. Maraming dopamine ang nalilikha sa utak kapag in love ang isang tao. Ito ang dahilan kung bakit nagiging “high†siya sa sobrang kaligayahan. Kagaya rin ito ng isang taong naha-high sa cocaine.
9. Ang sabi ng mga scientist, sa pisikal na anyo tumitingin ang mga lalaki kapag may natitipuhan silang babae dahil mas concern sila sa mga palatandaan na may kakayahang magkaanak ang isang babae.
10. Ang mga babae naman ay tumitingin sa behaviour ng lalaking manliligaw—kung may mga palatandaan na ito ay may kakayahang bumuhay ng pamilya.
(May karugtong)