^

Punto Mo

Lampong(189)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAPOS malaman na may-asawa na si Charie at maunlad ang itinayong advertising outfit, sunod naman niyang inalam ay ang naging siyota na si Jean de la Cruz. Account executive sa isang travel agency sa Malate si Jean. Maganda si Jean. Naakit siya sa mga mata nito na parang inaantok. May isang taon din silang naging mag-on ni Jean. Nagtalo sila ni Jean nang niyayaya siyang pakasal. Hindi na sila nagkasundo. Nag-break sila.

Ngayon ay magbabakasakali siya na baka single pa si Jean. Baka puwede pang madugtungan ang bukas. Hihingi siya ng tawad.

Tinungo niya ang opisina nito. Isang babae sa information counter ang pinagta­nungan niya.

“Dito pa po nagtatrabaho si Jean de la Cruz?”

Magalang ang babae sa information.

“Sorry po Sir pero matagal nang wala rito si Ms. Jean.”
“Puwedeng malaman kung nasaan siya?”

“Nag-migrate na po sila sa Canada. At ang huli pong balita e may asawa na siya. Kakakasal lang daw last month.’’

Nanlambot si Dick. Wala na yatang pag-asa pang may mabalikan sa mga naging siyota niya noon.

Umalis siyang naghi­hinayang.

Kinabukasan, panibagong paghahanap na naman ang ginawa niya. Si Susie naman ang hahanapin niya. Si Susie ay aerobic instructress. Sexy, maliksi at matalino.

Pero katulad ng mga naunang babae, wala na rin si Susie. May pamilya na rin at nasa Jeddah, Saudi Arabia raw.

Sunod niyang hinanap si Carmi. Pinuntahan niya ang bahay nito sa Sta. Mesa. Pero talagang wala siyang suwerte. Ibinenta na ang bahay ni Carmi at sabi ng napagtanungan niya, nasa US na ang pamilya nito. Isang US marine daw ang asawa ni Carmi.

Wala na siyang hahanapin pa. Sayang! Marami siyang sinayang na relasyon.

Hindi na muna siya iibig. Hindi na muna siya makiki­paglampungan.

(Itutuloy)

 

CARMI

CRUZ

ISANG

JEAN

MS. JEAN

NIYA

PERO

SAUDI ARABIA

SI SUSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with