^

Punto Mo

Ang unang condom

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GINAMIT na ang condom noong unang panahon. Nang manalasa ang syphilis noong 1564, umimbento ang Italian anatomist na si Gabriele Fallopios ng isang supot na tela para maprotektahan ang mga kalalakihan sa nakahahawang sakit. Naging epidemya ang syphilis at tinawag na Black Death. Ganunman kahit na talamak ang sakit, marami pa ring mahihilig sa sex ang patuloy na nakikipagtalik sa mga babaing infected.

Isang manipis na manipis na tela ang ibinabad ni Fallopios sa kemikal at pinatuyo. Pagkatapos ay ginawang “supot” na hugis penis. Para maging ma-appeal sa mga kababaihan, nilagyan ito ni Fallopios ng pink na tali. Itina-tali ang “supot” sa pinaka-puno ng penis.

Nang testingin ni Fallopios ang “supot” sa 1,100 volunteers, wala ni isa man ang nagkasakit ng syphilis. Tagumpay ang imbensiyon ni Fallopios. Bilang parangal sa kanya, ipinangalan sa kanya ang reproductive organ na Fallopian tube. Namatay si Fallopios noong Oktubre 9, 1562 na hindi nabigyan ng pangalan ang inimbentong “supot”.

Ang salitang condom ay nauso lamang noong second half ng 17th century. Ang hari ng England na si Charles II ay natakot mahawahan ng syphilis kaya tinawag ang kanyang physician, ang Earl of Condom, para gumawa ng paraan ukol dito. Maraming “babae” si King Charles kaya gusto niya ay may proteksiyon.

Gumawa ng “supot” na hugis penis ang physician at nilagyan nang pampadulas. Ang “supot” ay gawa sa bituka ng tupa. Pinatuyo ang bituka at saka binabad sa oil. Walang nakaalam kung ginaya lamang ng Earl of Condom ang imbensiyon ni Fallopius. Pero mula noon, naging popular na ang supot at tinawag itong condom.

 

BILANG

BLACK DEATH

EARL OF CONDOM

FALLOPIOS

FALLOPIUS

GABRIELE FALLOPIOS

KING CHARLES

NANG

SUPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with