^

Punto Mo

Personal Adelantada

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SIMULA nang ako ay mapahiya sa isang kamag-anak dahil sa pagiging adelantada ko sa pag-a-announce sa Facebook ng kamatayan ng isang kamag-anak ay nagbigay ito sa akin ng aral at phobia. Pahiyang-pahiya kasi ako to the highest level. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya namin para magkaroon ako ng knowledge na dapat munang ipaglihim sa publiko ang kamatayan ng depositor na may malaking pera sa banko dahil kung kakalat ang balita ng kamatayan at aksidenteng malaman ng banko, may mga negative consequences ito sa part ng depositor. Medyo nasaktan ako sa paraan ng pagsita sa akin. Para bang ang kasalanan ko ay nagbulgar ako ng military secret sa mga kalaban. Kaya aking naipangako sa  sarili, kung may mamamatay na kamag-anak, quiet na lang ako. Hindi na ako magpapaka-adelantada.

Noon kasing namatay ang aking ama, maraming kakilala, kaibigan at kamag-anak ang hindi nakarating sa lamay at libing dahil walang nakapagbalita. Psychologically, iyon siguro ang nagtulak sa akin para magmagandang-loob na ibalita ang kamatayan ng kamag-anak sa Facebook.

Kaya lang nang may pumanaw ulit na kamag-anak bago magpaalam ang 2012 ay napasobra naman ang pagiging “quiet” ko. Ilang araw nang nakaburol ay hindi pa rin ako umuuwi sa aming  probinsiya. Inaayos ko pa kasi ang aking schedule para walang mabitin na trabaho. Sa sobrang pananahimik  ay may nag-text sa akin na kamag-anak: “Nabalitaan mo na ba na si___ay pumanaw na?”. Napangiti ako. Akala siguro ay wala pa akong kaalam-alam sa mga pangyayari.

Pero mabuti na rin ang ginawa kong pananahimik. Ang isang kapatid ng namatay ay nagkataong nagbabakasyon sa ibang bansa. Hindi siya puwedeng biglain dahil maysakit sa puso. Nang nasa eroplano pauwi na sa Pilipinas at malapit nang mag-landing sa NAIA ay saka unti-unting ipinagtapat ang secret. Hindi ko alam na nagbabakasyon sa abroad ang kamag-anak kong ito. Buong akala ko ay nasa probinsiya namin siya. Kung umiral na naman ang aking pagiging adelantada, malamang na nai-text ko na siya at naitanong kung ano ang nangyari. Biglaan kasi ang kamatayan ng kanyang kapatid. Kaya curious ako kung ano ang naging pangyayari. Buti na lang, pinili kong manahimik.

AKO

ANAK

BIGLAAN

BUONG

BUTI

FACEBOOK

ILANG

KAMAG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with