^

Punto Mo

Mga umeepal!

RESPONDE - Gus ablegas - Pang-masa

Dahil sa sunud-sunod na krimen na nagaganap sa mga unang araw pa lamang ng 2013 umingay ang iba’t ibang panukala, kabilang dito ang total gun ban at ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hindi naman kasi maisasantabi ang mga krimen na naganap na karamihan ay kinasasangkutan nga ng mga baril, mukhang santambak na naman ang sakit ng ulo ng PNP lalo pa nga’t sa mga huling insidente ng shootout sa Quezon na mga tauhan nila ang  nasasangkot.

Ang mga walang habas na pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon na kumitil sa buhay ng marami, kabilang nga rito si Nicole Ella, 7, ng Caloocan at ang naganap na pamamaril ng isang dating kagawad ng barangay sa Kawit, Cavite na kumitil sa buhay ng pito katao, umingay ang panawagan na magkaroon ng total gun ban.

Marami naman ang nagtaas ng kilay at agad na tumutol dito, siyempre pa lalo na ’yung mga nagmamay-ari ng baril.

Umingay din ang panukala na ibalik na lamang ang parusang kamatayan para naman magdalawang-isip ang masasamang elemento o kriminal sa kanilang pag-atake.

Maraming mambabatas at maging ang Malacañang ang hindi pabor dito.

Hindi rin naman daw nakakatiyak na ang parusang bitay ang makakapigil sa mga nagaganap na madudugong krimen.

Sa naganap na umano’y shootout sa  hangganan ng Plaridel at Atimonan sa Quezon noong Linggo kung saan 13 ang nasawi, 3 dito ang pulis at 3 ay sundalo.

Sinasabing ang ugat umano ay dahil sa jueteng. Gayunman, patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ukol dito.

Ang umingay na isyu ang jueteng, kaya ayun marami na ang umepal at sumakay tungkol sa walang katapusang usapan sa jueteng.

Sa mga naganap na mala­laking insidente sa unang linggo ng taon, may kanya-kanyang isyu na nais bigyan ng aksyon, may iba’t ibang panukala na lumulutang.

Pero huwag sanang ma­ka­limutan ang mga pinag-uugatan, lalo’t higit huwag sanang makalimutan na ma­bigyan ng resulta ang mga isinasagawang imbestigasyon at pagkuha ng hustisya ng mga naging biktima.

Baka kasi tuluyang malihis, at ang nangyayari na lamang­ ay nagagamit na lamang sa pag-epal ng ilan. Walang resultang maka­kamtan.

 

ATIMONAN

BAGONG TAON

CALOOCAN

CAVITE

GAYUNMAN

NICOLE ELLA

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with