^

Punto Mo

Lampong (166)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALANGHIYA ka Puri!”

Sigaw ni Dick. Sa ginawang iyon ay lalo pang binilisan ni Puri ang pag­lalakad. Mabilis itong maglakad. Para bang natakot sa pagsigaw ni Dick.

“Gagantihan kita! Hahanapin kita kahit saan ka pumunta. Puri!!” Sigaw pa ni Dick. Hindi na niya napigil ang sarili. Sumambulat na. At kung maaabot niya si Puri ay baka kung ano ang magawa niya rito. Baka masampal o ma­suntok niya. Baka hindi na siya makapagpigil. Para kasing may sasabog na sa dibdib niya.

Lalo pang bumilis ang paglalakad ni Puri pero hindi hinihiwalayan ni Dick. Susundan niya ito kahit saan pumunta. Nasaan kaya ang kabit na matanda? Baka nag-iisang nag-shopping ang gold-digger na si Puri?

Nakita niya na humalo sa maraming tao si Puri. Pero matalas ang mga mata ni Dick. Hindi niya hinihiwalayan si Puri. Naka­pagkit ang mga mata niya sa suot na damit ni Puri. Maikli ang suot nito. Sexy. Paindayog ang paglalakad.

Nasundan pa rin niya si Puri kahit nagpasikut-sikot ito sa mga tindahan ng damit na nasa pasilyo.

Dinaanan ang mga hanay ng restaurant.

Mabilis na nakasakay sa escalator. Sumakay din si Dick. Kahit saan pumunta si Puri ay susundan niya.

“Hindi mo ako matatakasan, Puri!” Sigaw uli ni Dick. Hindi na siya nata­takot o nahihiya. Siguro’y dahil sa hindi niya malimutan ang ginawang panloloko sa kanya ni Puri. Sobra ang ginawang pandaraya sa kanya.

Patuloy siya sa pagsunod kay Puri. Patungo si Puri sa direction ng comfort room. Kapag nakapasok sa CR si Puri ay baka mahirapan siya. Baka magkulong ito roon.

Binilisan ni Dick. Aaabutan na niya. Kaila­ngan bago ito makapasok sa CR ay mahablot niya at bahala kung ano ang magawa niya.

Pero napaatras si Dick. Nakita niya si Tanda! May bodyguard! Delikado siya. Kung susundan niya, baka mabaril o mabugbog siya. Baka siya pa ang makulong!

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKA

DICK

MABILIS

NAKITA

NIYA

PERO

PURI

SIGAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with