Pustiso, madalas malunok!
NAGSAGAWA ng pag-aaral ang Dusseldorf University Hospital sa Germany, ukol sa mga bagay na madalas malunok. At lumabas na ang pustiso, buto ng manok, tinik ng isda ang karaniwang madalas malunok.
Sa mga bata na edad anim na buwan hanggang anin na taon, madalas nilang malunok ay magnet at maliliit na batteries. Lubhang napakadelikado sa bata kapag nakalunok ng batteries.
Karaniwan naman na ang nakakalunok ng pustiso ay matatanda.
Noong Pebrero 2012, isang 74-anyos na lalaking Taiwanese ang nakalunok ng kanyang pustiso at namatay.
Nakikipagtalik umano ang matanda sa isang 62-anyos na prostitute nang malunok nito ang pustiso. Ayon sa prosti, napatihaya ang matanda. Nakadilat ang mga mata subalit hindi ito kumikilos. Tumawag umano siya ng paramedics at dinala sa ospital ang matanda pero patay na ito nang idating. Bumara umano sa lalamunan ng matanda ang pustiso.
- Latest