Mga sikat ngayon…kinawawa noong araw
NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:
LADY GAGA
Bigla na lang daw siyang bubuhatin ng mga kaklaseng lalaki at ilalagay sa basurahan na nasa kalye. Pagtatawanan siya ng mga kaklaseng babae kaya makikitawa rin siya. Hindi raw niya naiisip na kinakawawa siya ng mga kaklaseng lalaki. Ang akala niya ay nakakatulong siya na magpasaya ng mga kaklase. Sa paulit-ulit na pagtatapon sa kanya sa basurahan ay saka nag-sink in sa kanya na “bullying” na ang ginagawa ng mga kaklase sa kanya. At malalim raw ang sugat na idinulot ng masama niyang karanasan. Ang paghanga na ibinibigay sa kanya ng mga fans ang unti-unting nagpahilom ng kanyang sugat.
CHRIS COLFER (Gumaganap na bakla sa Glee)
Ang pambu-bully na ginawa sa kanya ay hindi pisikal na pananakit kundi emosyunal. Pero palaban siya at hindi basta nagpapatalo. Ito ang ikinaiba niya sa ibang biktima ng bullying. Halimbawa, bigla siyang sisigawan ng isang kaklase ng “faggot”! Pero bigla rin niyang sisigawan ng “ Yeah! But can you spell it?”. Ang nangyayari tuloy, sa halip na siya ang mapahiya, yung kaklase niya na hindi alam ang spelling ng faggot ang pinagtatawanan. Ang role niya sa Glee bilang bakla ay malapit sa totoong buhay kaya hindi na niya kailangang mag-exert ng effort sa acting.
(Itutuloy)
- Latest