^

Punto Mo

Telebisyon

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TAON 1965 sa Alabama highway. Malalim na ang gabi at napakalakas ng ulan nang biglang tumirik ang kotseng minamaneho ng may edad nang babae na sa unang tingin ay mapagtatanto mo kaagad na isang African-American. Kinuha ng babae ang kanyang payong at tumayo sa labas ng kanyang kotse upang pumara ng taxi. Ngunit dahil sa sama ng panahon at malalim na ang gabi, sa malas ay wala ni isang taxi na dumadaan. Palibhasa ay gabi na kaya ang isang pribadong kotse ay pinara niya sa pag-aakalang iyon ay taxi. Huminto naman ang kotse at nakangiting  tinanong ng driver kung ano ang maitutulong niya sa babae. Ang driver ay white American. 

Nang panahong iyon ay malakas ang tensiyon sa pagitan ng Black at White Americans dahil sa isyu ng segregation and racism. Hindi puwedeng gumamit ang Black ng pasilidad ng mga White. Magkahiwalay sila sa lahat ng bagay kagaya ng public toilet, upuan sa pampublikong sasakyan, public school at marami pang iba. Ang ikinagagalit ng mga Black, laging ang pasilidad nila ang sub-standard o mababang uri. Pakiramdam nila ay  kinakawawa sila.

Nagulat ang babaeng Black dahil hindi pangkaraniwang pangyayari na ang isang White ay hihinto at mag-aalok ng tulong sa isang Black. Magkaganoon pa man ay nagpahatid ang babae sa mismong terminal ng taxi. Bago bumaba at magpasalamat, isinulat ng babae ang home address ng lalaking White upang mapadalhan daw niya ng thank you card.

Makalipas ang ilang araw, may kumatok na delivery man sa pintuan ng lalaking White. Isang bagong giant console color TV ang bitbit nito. May liham na kasama sa resibo ng TV:

 Thank you so much for assisting me on the highway the other­ ­night. The rain drenched not only my clothes but my spirits­. Then you came along. Because of you, I was able to make it to my dying husband’s bedside just before he passed away. God bless you for helping me and unselfishly serving others.

Sincerely,

Mrs. Maria Cole

* * *

Si Maria ay misis ni Nathaniel “Nat”  King Cole. Naghihingalo na nang gabing iyon si Nat King Cole, kaya nagmamadali si Maria na makarating sa ospital.

Nat King Cole—ang pinaka­unang Black American na naging television host ng variety show. Magaling na singer. Ang ilan sa naging popular na kanta niya ay Unforgettable at When I Fall in Love. Tatay siya ni Natalie Cole. Cancer sa lungs ang ikinamatay niya dahil sa pagiging heavy smoker­. Gumaganda raw lalo ang kanyang boses matapos manigarilyo.

AFRICAN-AMERICAN

BLACK

BLACK AMERICAN

KING COLE

MRS. MARIA COLE

NAT KING COLE

NATALIE COLE

SI MARIA

WHEN I FALL

WHITE AMERICANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with