Sa ngayo’y wala pang maisip na tula
Kung kaya sa langit napapatingala;
Ang puso ko’t diwa ay nakatunganga
Wala ring maisip na gagawing paksa!
Sa munting bintana ay aking namasdan
Ang maraming tao na naglalakaran;
Sila’y mga mutyang katulong sa bahay
At nag-aalaga mga kamusmusan!
Okey lamang naman pero ang di wasto
Sa paglakad nila ay may hilang aso;
Itong mga aso ay di-asikaso –
Umiihi’t tumatae sa kalyeng semento!
Gawain ng aso’y hindi alintana
Ni walang pandakot itong mga yaya;
Ang sistemang ito ay araw-araw na
Tapat ng bahay ko ay namamaho na!