^

Punto Mo

EDITORYAL - Handa ba ang mga ospital sa mga mabibiktima ng paputok?

Pang-masa

UMABOT na sa 100 ang mga nasugatan sa paputok sa Metro Manila. Karamihan sa mga naputukan ay mga bata. Kahapon, ilang bata ang isinugod sa ospital na duguan ang kamay nang masabugan ng piccolo. Isang bata ang naputulan ng dalawang daliri makaraang maputukan ng dinampot ng triyanggulo. Nagsisigaw ang bata sa sakit nang nililinis na ng mga doctor ang sugat.

Habang papalapit ang bagong taon, parami nang parami ang mga nasusugatan. Sa kabila na may babala ang Department of Health (DOH) na iwasang magpaputok at sa halip ay gumamit na lamang ng pailaw, marami pa rin ang matitigas ang ulo. Lalo pang dumami ang mga paputok at malalakas. Dalawang bagong paputok --- ang “Crying Bading” at “Am­patuan” ang kinalolokohan sapagkat mas malakas. Ayon sa mga nagbebenta ng dalawang paputok, ka­ilangang mag-ingat sa pagsisindi ng mga ito at dapat gawin sa ligtas na lugar.

Hindi na mapipigilan ang mga magpapaputok. Kahit­ na ano pa ang gawin, hindi na sila masasaway pa. Ang kahandaan na lamang ng mga ospital sa panahong ito ang nararapat. Siguruhin na sapat ang mga gamot. Siguruhin na mabibigyan ng sapat na serbisyo ang mga biktima ng paputok lalo na ang mga bata. Mayroong mga bata na napuputukan dahil sa pagpulot sa mga inaakalang nagmintis na paputok. Nang hawakan ay saka pumutok. Lasog ang daliri!

Ang mabilis na pag-aksiyon ng mga doctor sa mga naputukan ang inaasahan. Hindi dapat pabayaan mga nabiktima lalo ang mga kawawang bata.

 

AYON

BATA

CRYING BADING

DALAWANG

DEPARTMENT OF HEALTH

HABANG

ISANG

METRO MANILA

SIGURUHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with