^

Punto Mo

Lampong(152)

Pang-masa

I TINIGIL na ni Dick ang pag-dial sa number ni Puri. Bumangon siya at nagtungo sa salas. Binuksan ang TV. Pero wala sa palabas ang isip niya kundi kay Puri. Inilipat niya nang inilipat. Pero wala pa rin siyang maunawaan sa pelikula. Bakit iniiwasan na siya ni Puri?Bakit nagbago na si Puri?

Tumayo siya at nagtungo sa kusina. Binuksan ang ref at kumuha ng isang boteng beer. Lagi siyang may beer sa ref. Kapag gusto niyang uminom, kukuha lang siya at iinom mag-isa.

Dinala ang binuksang beer sa salas at doon ininom habang nanonood ng TV. Maya-maya nararamdaman na niya ang espiritu ng beer. Tinungga na niya lahat.

Tumayo muli siya at kumuha pa ng isa. Masarap pala ang malamig na beer sa madaling-araw, ha-ha-ha!

Tinungga muli ang beer. Sarap talaga. Kagat na kagat na ang espiritu. Panting agad ang taynga niya.

Habang nagwawating-wating ang tingin, nasulyapan niya ang palabas sa TV. Naghahabulan ang lalaki at babae sa tabing dagat. Naka-trunk ang lalaki at two-piece ang babae. Inabutan ng lalaki ang babae. Niyakap. Nabuwal sila. Hanggang sa naghahalikan na. Matinding halikan. Hindi naghihiwalay ang mga labi. Ang kanang kamay ng lalaki ay naging malikot. Nakahawak na sa maselang bahagi…hanggang sa maputol ang scene.

Napabuntung-hininga si Dick. Malalim. Naalala niya si Puri. Natatandaan niya nang magtungo sila sa isang beach sa Balayan, Batangas. Sa ila­lim ng punong Banaba sila nagtalik ni Puri. Geym na geym si Puri. Wala silang pakialam kung may makakita sa kanilang pagtatalik. Basta idaraos nila ang ‘‘init ng katawan’’. Masayang-masaya sila pagkatapos magtalik.

Ngayon, naghihimutok si Dick. Matagal-tagal na rin na hindi sila nagkakapiling ni Puri. Tiyak ni Dick na kapag nagkasama muli sila ni Puri ay maibubuhos niya ang lahat ng nasa loob niya. Sa sobrang tagal­ nang hindi nila pagkikita, susulitin niya.

Tinungga niya ang laman ng beer. Ubos.

Tumayo siya at kumuha muli ng beer. Gusto niyang malasing.

Nang maubos ang beer, naging malikot na ang isip ni Dick. Ano kaya at pumunta siya sa unit ni Puri ngayon? Malay niya naroon na pala si Puri. Kararating lang pala galing sa Baguio. At dahil matagal silang hindi nagkita, sabik na sabik sila. Tiyak na magyayakap sila. Maghahalikan at siyempre ang ka­sunod ay ang giyera. Putukan na walang patlang!

Tumayo si Dick. Pupunta siya sa unit ni Puri.

Nang matanaw ang unit, nagkaroon ng pag-asa si Dick. Bukas kasi ang ilaw ng unit. Lumapit siya at sumilip sa bintana. Walang tao. Pero bakit bukas ang ilaw.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BEER

BINUKSAN

NIYA

PERO

PURI

SILA

SIYA

TINUNGGA

TUMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with