^

Punto Mo

EDITORYAL - Baril dito, baril doon

Pang-masa

H ANGGANG ngayon, misteryo pa rin kung bakit nagawa ng 20-anyos na si Adam Lanza na pagbabarilin ang 27 katao, karamihan ay mga bata, sa isang school sa Connecticut noong Biyernes. Mahiyain umano si Lanza at walang imik. Kung hindi raw ka­usapin ay hindi magsasalita. Kaya maraming nagtaka kung bakit bigla itong dumating sa school bitbit ang isang .223 caliber Bushmaster at mga handgun at pinaulanan ng bala ang mga bata. Kasama sa na­patay ang teacher, principal at psychologist. Bago siya sumugod sa school, binaril niya at napatay ang ina na isa ring teacher sa school.

Ayon sa mga pulis, ang mga baril ay pawang naka­rehistro sa pangalan ng ina ng gunman. Sa nang­yari, binubuhay ngayon sa US ang paghihigpit sa pagmamay-ari ng baril. Masyado umanong maluwag ang pagmamay-ari ng baril doon. Maski sa mall ay ma­aaring makabili ng baril. Dapat daw nagkaroon na nang paghihigpit sa pagmamay-ari ng baril noon pa. Kung hindi raw maghihigpit baka may mangyari na namang madugong krimen.

Noong 2007, isang lalaki ang namaril sa Virginia Tech University at 32 ang napatay. Noong 1999, isang lalaki rin ang namaril sa Columbine High School at 15 ang napatay.

Marami nang madugong pangyayari sa buong mundo na ang baril ang naging dahilan. Dito sa bansa, maraming krimen na nagaganap araw-araw at baril ang ginagamit. Hindi rin kontrolado ang pagmamay-ari ng baril dito. Maraming loose firearms. Ayon sa PNP, maraming baril ang hindi rehistrado at karamihan ay matataas ang calibre. Isa sa pinakamadugong krimen sa bansa ang Maguindanao massacre kung saan 57 tao ang pinagbabaril noong Nob. 23, 2009. Pulitika ang dahilan ng masaker. Ngayong holiday season, umaatake ang mga masasamang loob gamit ang baril. Papalapit na rin ang 2012 elections inaasahang dadami ang krimen na ang sangkot ay baril.

Magkaroon nang paghihigpit sa pagmamay-ari ng baril. Paigtingin ang pagkumpiska sa loose firearms. Maglagay ng checkpoint para masabat ang riding-in-tandem na gumagawa ng krimen.

ADAM LANZA

AYON

BARIL

BIYERNES

COLUMBINE HIGH SCHOOL

DAPAT

DITO

ISA

NOONG

VIRGINIA TECH UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with