^

Punto Mo

Ang kambal na parehong-pareho sa lahat nang bagay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LUBHANG kakaiba ang kasaysayan ng kambal na sina Jim Lewis at Jim Springer, taga-Ohio. Nagkahiwalay sila mula pa pagkasilang at inampon ng magkaibang pamilya.

Ang lubhang nakakatuwa ay ang pagkakapareho nila sa maraming bagay. Ang bawat pamilyang nag-adopt sa kanila ay hindi magkakilala. Halimbawa: Nagkapareho ang ibinigay sa kanilang pangalan --- Jim.

Parang pinagtiyap ng pagkakataon, sabay din silang nag-training para sa law-enforcement. Magkapareho ang kanilang hilig – mechanical drawing at carpentry.

Ito ang matindi. Nang mag-asawa sila, parehong Linda ang pangalan ng napangasawa nila. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ang kanilang ipinangalan ay James Allan.

Ito pa ang matindi. Pareho nilang diniborsiyo ang kanilang asawa. Nang muli silang nag-asawa, ang pangalan ng kanilang napangasawa ay parehong Betty.

Eto pa. Meron silang alagang aso na ang pangalan ay Toy.

Sina Jim Lewis at Jim Springer ay nagkakilala noong February 9, 1979 --- 39 na taon silang nagkawalay. (www.oddee.com) 
 

vuukle comment

ETO

HALIMBAWA

JAMES ALLAN

JIM SPRINGER

MAGKAPAREHO

MERON

NAGKAHIWALAY

NANG

SINA JIM LEWIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with