^

Punto Mo

2 Cabinet officials, nanggagapang para paboran ang RH bill

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saldivar - Pang-masa

IPINATAWAG ng Malacañang ang mga kongresista para sa isang tanghalian at ang pa­ngunahing tinalakay ay ang kontrobersiyal ng Reproductive Health (RH) bill. Wala namang direktang sinasabi si President Noynoy Aquino sa nasabing pulong at pananghalian sa mga kongresista. Ang sinabi ni P-Noy, kung siya ay kongresista pa rin, ang magiging boto niya ay pabor  sa RH bill.

Wala rin daw direktang ipi­nangako si P-Noy sa mga kongr­esista. Ramdam naman ng mga kongresista na sila ay makikinabang kung papaburan ang RH bill. Kasama ni P-Noy ang Cabinet officials na nanga­ngasiwa sa mabilis na paglalabas ng pondo para sa countrywide development fund (CDF) o pork barrel.

Lalong naramdaman daw ng ilang kongresista ang pagkakaiba ng kasalukuyang administrasyon. Ang tanging ipinabaon lang sa kanila ni Pinoy ay malutong na  “Thank you” . Malayung malayo raw ito sa nakaraang administrasyon na bukod sa pag-thank you ay may pabaon na “envelope”.

Pero alam n’yo matapos ang nasabing pananghalian sa Malacañang, agad na kumilos ang dalawang Cabinet official. Nag-text agad ang mga ito. Ang umano’y kampo ng mga Obispo na tutol sa RH bill ay  may text brigade. Ganito rin pala ang ginawa ng dalawang Cabinet officials.

Kanya-kanyang text ang dalawang opisyal sa kanilang mga kakilala at kaalyadong kongresista na pinapasabing dapat ay agad maaprubahan ang RH bill na nakapending sa Kongreso.

Sino ang dalawang opisyal na ito na nanggagapang sa mga kongresista para paburan ang RH bill?

Ang dalawang Cabinet officials na nanggagapang at nagsasagawa ng text brigade sa mga kongresista para pagtibayin ang RH bill ay si Secretary A at Secretary R as in mga astig at rah-rah boys sa Malacañang.

Sa Senado kahit hindi na siguro manggapang ang dalawang Cabinet officials, mayorya naman ng mga senador ay pabor sa RH bill at makakalusot ito. Ang tinututukan lang ay mga kongresista dahil maraming absent. Abala na sa pangangampanya sa kani-kanilang probinsiya kaya hindi nakakabuo ng quorum.

 

BILL

KONGRESISTA

MALACA

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

SA SENADO

SECRETARY A

SECRETARY R

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with