Ang Luka-Lukang Reyna

Si Queen Joanna na binansagang Juana La Loca (Joanna the Mad) ay nabuhay noong 1479 hanggang 1555. Anak siya ng hari ng Aragon na si Ferdinand at reyna ng Castille na si Isabella. Walang anak na lalaki, kaya’t si Joanna lang ang tanging tagapagmana ng trono. Si Queen Joanna ang pinakaunang Reyna na namuno sa dalawang kaharian : Aragon at Castille na nang magtagal ay pinag-isa at naging Spain.

Dalaga pa ay kinakitaan na siya ng pagiging “maluwag ang turnilyo”. Sa kabila nito ay nakapag-asawa siya ng nagngangalang Philip the Handsome, Duke of Burgundy. Nagkaanak sila ng isang lalaki at babae. Palibhasa ay may pagkaluka-luka, sinugod niya ang isang babaeng pinaghihinalaan niyang may gusto sa kanyang asawa at kinalbo ito. Nang bawian ng buhay si Philip, hindi siya pumayag na ilibing ito. Pinaembalsamo ito ni Queen Joanna si Philip upang kahit saan siya pumunta ay kasama rin niya ang bangkay at walang sawang tinititigan ito.

Nabahala ang amang si King Fer­dinand sa pinaggagagawa ng kanyang anak kaya’t idineklara niyang may sakit ito sa pag-iisip. Ikinulong siya sa madilim na kuwarto upang mapakalma ang pag-iisip. Pero pinayagan naman na isama sa kuwarto ang bangkay ng asawa. Nang sumapit sa tamang edad ang anak ni Joanna na si Charlie, siya ang idineklarang kapalit sa puwesto ng kanyang ina.

 

Show comments