iPad, $200 lang!

NASA isang gasolinahan sa Texas si Jalonta Freeman nang bigla ay isang lala­ki ang lumapit sa kanya at ipinakita ang isang bagong iPad na nakabalot at ang halaga ay $800. Pero sabi ng lalaki  kay Jalonta, ibibenta na lang niya ng $200. Murang-mura!

Madaling nagpasya si Jalonta at binayaran ang iPad. Agad ibinigay sa kanya ng lalaki ang iPad at umalis na ang lalaki.

Nang buksan ni Jalonta ang nakabalot na iPad, ganun na lamang ang pagkadismaya ni Jalonta sapagkat mirror ang nakabalot. Hindi pagsususpetsahan sapagkat kasing-size ng Apple iPad.

Sising-sisi si Jalonta.

Show comments