^

Punto Mo

Curfew sa bar, KTV, pumasa kaya?

RESPONDE - Gus Abellgas - Pang-masa

Maganda ang panukalang limitahan  ang operating hours ng mga nightclubs, bar KTV at mga katulad nito.

Ibig sabihin magkakaroon na rin ng curfew sa ganitong uri ng mga negosyo o establisimento.

Nakapaloob ito sa House Bill 3235 na ipinanukala ni  Caloocan City Rep. Oscar Malapitan.

Layunin daw ng panukalang batas na ito eh para mabawasan ang pagdami ng krimen lalu na sa gabi at madaling araw, gayundin mabawasan ang mga aksidente sa lansangan na ang sanhi naman ay dahil sa matinding kalasingan.

Base sa panukala, magsisimulang mag-operate ang mga ganitong uri ng establisimento  alas-5 ng hapon hanggang ala- 1 ng madaling araw.

Kung tutuusin, pwede ang ganitong batas, yung nga lang  siguradong maraming mga negosyante ang magpoprotesta rito at malamang na mag-lobby para hindi pumasa ang panukalang batas na ito.

Siyempre ang laki ng mawawala sa kanila sa kanilang negosyo.

Kadalasan kasi inaabot ang ganitong mga uri ng negosyo ng mag-uumaga na kaya nga ang nagiging target madalas ng kawatan eh ang mga pauwi nilang kostumer. Hindi rin nakakaligtas dito ang mga aksidente sa lansangan dahil naman sa kalasingan at matinding antok na ng mga pauwing kostumer.

Hindi lang yan nakalimutan marahil ni Congressman na may ilang establisimento ganito ang nakatayo malapit sa mga residential area. Perwisyo ang iba dahil sa ingay ng mga ito, nabubulabog pa ang mga nakatira malapit sa kanila dahil sa matinding ingay.

 

Sa lungsod nga lang ng Quezon may ordinansa na tungkol sa noise pollution o yung mga karaoke bar na natatayo malapit sa residential area pero halos hindi pa rin nasusunod. Ok lang ang magnegosyo pero sana ay hindi naman nakakaperwis­yo.

Aantabayan natin kung  lulusot ang batas na ito at kung ano ang magiging argumento ng mga kokontra.

AANTABAYAN

CALOOCAN CITY REP

HOUSE BILL

IBIG

KADALASAN

LAYUNIN

MAGANDA

NAKAPALOOB

OSCAR MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with