7 parak sinibak sa POGO money robbery

MANILA, Philippines — Pitong parak ang sini­bak sa serbisyo dahil sa pagnanakaw ng POGO money na gagamitin sanang ebidensiya sa kaso.

Sa dokumento mula sa Directorate for Personnel and Records Management, ang mga nasabing pulis ay dating nakatalaga sa CIDG, kasama ang noo’y cash evidence custodian na si Police Lt. Col. Joey Arandia at anim niyang mga tauhan.

Ang pito ay guilty sa administratibong kasong grave misconduct, grave dishonesty, at conduct unbecoming of a police officer.

Batay sa report, Oktubre 2024 pa nangyari ang operasyon ng CIDG sa One Bataan Compound sa Bagac, Bataan na isang POGO hub para maghain ng search warrant sa paglabag sa Anti-Trafficking act of 2003 at nakuha sa operasyon ang P141 milyong pera.

Makalipas ang mahi­git isang taon naglabas ng omnibus order ang korte para isauli ang pera para magamit na ebidensiya sa kaso.

Nang ibalik ng mga operatiba ng CIDG ang pera noong Nobyembre 20, 2025 ay kulang ito ng mahigit P13 milyon.

Napag-alaman din na pinalitan nila ng boodle money ang pera para magmukhang kumpleto ang pera.

Show comments