Impeachment hearing vs VP Sara simula na

MANILA, Philippines — Pormal nang sisimulan ngayong araw ang pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung saan isa-isa nang bubusisiin ang mga ebidensya at haharap ang mga testigo.
Sinabi ni Justice panel Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na kritikal ang mini trial na kanilang isasagawa kung saan ay magco-convent ang komite alas-10:00 ng umaga sa People’s Center na dito’y magtatakda ng ground rules, pagtalakay sa mga mosyon at pagdinig sa impeachment complaint.
Sa ilalim ng agenda ay magsasagawa ng inisyal na pagdinig sa dalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte kabilang dito ang 3rd impeachment complaint na inihain nina Rev. Fr. Joel Saballa at ang 4th complaint na inihain naman ni Atty.Nathaniel Cabrera.
Aaksiyunan din ng komite ang mga nakabinbing mosyon kabilang ang kahilingan sa pag-iisyu ng subpoena sa mga dokumento.
Gayundin ang resolusyon sa petisyon na isailalim sa kustodya ng panel ang pangunahing testigo na si Ramil Madriaga na umano’y “bagman” ni VP Duterte at ang isyu hinggil sa umano’y “conflict of interest” hinggil sa dalawang miyembro ng legal team ni VP Duterte.
Inihayag ni Luistro na ang panel ay nakahandang aksiyunan kaagad ang impeachmnent complaint base mga ebidensya at testigo.
- Latest















