^

Police Metro

Prayer breaks sa Muslim employees, iniuumang sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Prayer breaks sa Muslim employees, iniuumang sa Kamara
Muslim brothers gather for congregational prayer at the Manila Golden Mosque in Quiapo, Manila on March 1, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — “Bigyan ang mga Muslim employees ng prayer breaks sa kanilang mga pinatatrabahuan”.

Ito ang ihahain na panukalang batas ni ACT-CIS Representative at senatorial candidate Erwin Tulfo Dahil pagbukas muli ng Kongreso sa Hunyo para mabigyan ng dalawang prayer breaks sa kanilang trabaho mapa-pribado man o gobyerno, sa loob ng walong oras na paggawa.

Ani Cong. Erwin, “Dalawa rito ay mahahagip sa oras ng paggawa tulad ng ‘Dhuhr’ na isinasagawa bandang tanghali na pag-alala kay Allah at paghingi ng direskyson sa kanya, habang ang ‘Asr’ ay bandang hapon naman bilang pag-alala pa rin kay Allah at pagmumuni sa kanilang buhay kung ito ba ay naaayon pa rin sa kagustuhan ni Allah,”.

Dagdag pa ni Cong.Tulfo, “Kadalasan nahihiya na magpaalam ang mga kapatid nating Muslim sa employer o boss nila kasi baka ano pa ang masabi sa 10 to 15-minute break na hihingin niya lalo pa kung iba ang relihiyon ng supervisor o amo niya.

Laman din ng panukalang batas na bigyan ng isang prayer room o espasyo man lang para makapagsamba ang mga Muslim employees ng kumpanya o ahensya.

Ayon pa kay Cong.Tuflo na ito ang kahilingan ng ilan niyang mga kaibigang Muslim na magkaroon ng batas para makapagsamba sa oras ng paggawa.

MUSLIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with