^

Police Metro

Lalaki na nanlaban sa warrant of arrest, utas sa sagupaan

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaking na wanted sa kasong pagpatay ang napatay ng mga otoridad nang manlaban sa pagsilibi sa kanya ng warrant of arrest sa Calamba City, Laguna noong Sabado ng umaga.

Namatay noon din ang suspek na si alyas Mark Lee, 30, na tinaguriang Most Wanted Person Regional level habang ang kanyang kinakasama na si Rowena Manila, 33, ay inaresto dahil sa direktang pag-atake at pag­harang sa mga otoridad.

Batay sa ulat, alas-6:15 ng umaga ay magsisilbi ng dalawang arrest warrant na inisyu ng tatlong Presiding Judge sa lungsod sa tirahan nito ng suspek sa Sitio Salagubang sa Barangay Palingon.

Sa halip na sumuko ay pinutukan umano ni Mark Lee ang mga paparating na mga otoridad at naghagis ng granada ngunit hindi sumabog.

Dito na gumanti ang mga otoridad at napatay si Lee habang ang kinakasama nito na si Rowena ay ina­resto nang komprontahin at salakayin ang arresting team para maantala sa pag-aresto sa suspek.

LAGUNA

CALAMBA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->