Mister binoga ng dating dyowa, todas!

Madugong ‘love triangle’
MANILA, Philippines — Dahil sa matinding selos, patay ang isang mister na pinag-aagawan ng dalawang babae matapos na barilin ng dating nobya sa gitna ng kanilang pagtatalo sa sa Brgy. Market View, Lucena City nitong Martes ng gabi.
Sa report ng Police Regional Office (PRO-IV A ) kinilala ang biktima na si Carlos Postrado, may live-in partner, 20-anyos at nagtatrabaho bilang isang food stall employee.
Sa imbestigasyon, kasalukuyang nasa loob ng kanilang tahanan ang biktima at abala sa pagluluto ng hapunan nang biglang dumating ang dating nobya.
Walang sabi-sabing bigla na lamang binunot ng suspek ang isang armas saka binaril ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng punglo sa katawan.
Duguang bumulagta ang biktima na agad nasawi habang mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasama nito.
Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at dating kasintahan nang hindi matanggap ng huli na ipinagpalit umano siya sa ibang babae na ngayo’y ka-live in na ng nasabing mister.
Ayon sa pulisya, “love triangle” ang nakikita nilang motibo ng pamamaslang sa biktima.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang babaeng suspect at kasabwat nito.
- Latest