^

Police Metro

Pagkansela sa pasaporte ni Roque, pag-aaralan ng Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aaralan at ikokonsidera ng Malacañang ang mungkahi na kanselahin ang pasaporte ni Atty. Harry Roque matapos tumakas palabas ng bansa upang makaiwas sa pag­harap sa kasong human trafficking at sa warrant of arrest na inilabas ng Kamara.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, bagama’t ­hindi napag-uusapan ang tungkol kay Roque sa Malacañang, maaaring pag-aralan ang mungkahi dahil mayroon naman itong naka-pending na kaso sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Castro na mabigat ang kasong kinakaharap ni Roque dahil wala itong piyansa kaya titingnan ng Palasyo kung ano ang mainam na gawin sa dating opisyal ng Malacañang, lalo na kung mayroon itong warrant of arrest na manggagaling sa korte.

Matatandaang nagmatigas si Roque na humarap sa pagdinig ng Quad Committee kaugnay sa isyu ng POGO operations sa bansa matapos matuklasan na naging abogado ito ng isang kompanya ng POGO at umano’y pagkakanlong ng ilang Chinese sa kanyang bahay sa Tuba, Benguet.

Bigla namang lumitaw si Roque sa The Netherlands matapos na maaresto si dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte at dalhin sa International Criminal Court (ICC).

HARRY ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->