Comelec intervention sa suspension order vs Urdaneta Mayor at Bise ‘di na kailangan - DILG

MANILA, Philippines — Hindi na umano kailangan pa ang intervention ng Commission on Election (Comelec) sa isinilbing tig-1 taong suspension order ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban kina Urdaneta City Mayor Julio “Rammy” Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno kaugnay ng kasong grave misconduct at grave abuse of authority ng dalawang suspendidong lokal na opisyal.

Ayon kay Atty. Maria Norina Tangaro Casingal, Region 1 Director ng Comelec, hindi na pakikialaman ng ahensiya ang ipinatupad na suspension ng DILG laban sa magpinsang Parayno dahil naisilbi naman ng ahensiya noong January 7,2025 ang suspension order bago pa man ipa­tupad ang Comelec ban noong January 12,2025.

Sinabi ni Comelec Director Casingal, ito naman ay kinilala at nabigyan ng kopya ng DILG ang mga kinauukulan kayat walang dahilan upang hindi sundin ng mga Parayno ang tig-1 taong suspension order ng Malakanyang laban sa kanila.

Nagpadala rin ng liham si Director Casingal kay DILG Region 1 Regional Director Jonathan Paul Leusen, na nagsasabing malinaw na noon pang January 3, 2025 inilabas ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 12 buwang suspension laban sa mga Parayno matapos mapatunayan guilty sa kasong Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority nang illegal na patalsikin sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang Presidente ng Liga ng mga Barangay noong 2022.

Show comments