41% mga Pinoy, suportado ang impeachment vs VP Sara – survey

The House Committee on Appropriations scrutinized the proposed P2.037-billion budget of the Office of the Vice President under Vice President Sara Duterte on Aug. 27, 2024.
HouseofRepsPH / Facebook

 

MANILA, Philippines — Sa ipinalabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) ay apat sa 10 Pinoy o 41% ang sumusuporta sa impeachment o pag-aalis kay Vice President Sara Duterte sa pwesto nito.

Ang naturang survey ay isinagawa sa pagitan ng Disyembre 12 hanggang Disyembre 18, 2024 at kinomisyon ng advisory at consultancy group na Stratbase.

Nakita rito na 35% naman ang tutol sa impeachment ni Duterte habang 19% ang undecided.

Sa ngayon ay mayroong tatlong impeachment complaints ang inihain ng iba’t ibang grupo at inendorso ng anim na miyembro ng Kamara laban kay Duterte.

Ang pinakamataas na percentage ng mga pabor sa impeachment ni Duterte ay naitala sa Balance Luzon sa 50%, sinundan ng National Capital Region sa 45%, habang 40% ng respondents sa Visayas ang pabor na alisin si Duterte bilang Bise Presidente.

Naitala naman ang pinakamababang bilang sa balwarte ni Duterte, ang Mindanao, kung saan 22% lamang ang pabor sa impeachment nito.

Show comments