Rufa Mae laya na, naghain ng ‘not guilty’ plea

Rufa Mae
STAR

MANILA, Philippines — Pinalaya na kahapon mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Rufa Mae Quinto matapos iutos ng Pasay Regional Trial Court Branch 111 kasunod ng inilagak na P1.7 milyon piyansa sa 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code.

Kamakalawa ay maagang tinambayan si Quinto na ineskortan ng mga ope­ratiba ng NBI-International Airport Division sa nasabing korte sa paglagak ng piyansa na t­ig-P 126,000.00 sa bawat bilang ng kaso at kahapon din ay isinagawa ang pagbasa ng sakdal laban sa kanya at naghain ito ng ‘not guilty’ plea sa pag­harap sa nasabing korte.

Itinakda naman ng Pasay RTC Branch 111 ang pagdinig sa Pebrero 20.

Nag-ugat ang kaso nang maghain ng reklamo ang mga investor ng Dermacare o ang kumpanyang Beyond Skin Care Solutions.

Iginiit ni Quinto na siya ay endorser lamang ng nasabing beauty clinic at walang kinalaman sa mga investment ng kum­panya.

Show comments