DA, DTI sanib-puwersa vs paglobo ng presyo ng bigas

Sinusuri muna sa ngayon ng mga ahensya kung ano ang dapat na maximum suggested retail price o MSRP ng bigas upang makatiyak sila na kikita pa rin ang mga rice importer na hindi nagigipit ang mga konsyumer sa sobra-sobrang presyo ng bigas.

MANILA, Philippines — Upang makahanap ng mga paraan upang mabawasan ang presyo ng bigas sa gitna ng mga hinaharap na problemang pinansyal ng mga Pinoy ay nagsanib-pwersa ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.

Sinusuri muna sa ngayon ng mga ahensya kung ano ang dapat na maximum suggested retail price o MSRP ng bigas upang makatiyak sila na kikita pa rin ang mga rice importer na hindi nagigipit ang mga konsyumer sa sobra-sobrang presyo ng bigas.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na umpisa lamang ang bigas at layunin nilang silipin ang presyo ng iba pang imported food commodities para sa mga mamimili.

Makikipagpulong naman si DTI Secretary Cristina Roque sa inter-agency council para aralin ang mga estratehiyang nakalaan sa pagpapatatag ng presyo ng pagkain na nakaayon sa kalagayan ng merkado.

Malaki ang na­ging ambag ng lumolobong presyo ng bigas sa mataas na inflation noong unang kalahati ng taong 2024.

Nagkasundo na ang mga kalihim na gumawa at lumagda sa isang Memorandum of Understanding para rito.

Show comments