^

Police Metro

Sunog sa Navotas: 5 patay

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi kabilang ang apat na menor de edad sa halos isang oras na sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Sarah Constantino, 41; kanyang anak na si Xylem Lorraine Constantino, 17, senior high, pinsan na si Ruthie Tongco, 11, Grade 6; at magkapatid na sina Daniella, 13, Grade 8; at Kayla Jocson, 12, Grade 6.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection(BFP), alas-7:14 ng umaga nang magsimula ang sunog sa tahanan ng mga biktima na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Pascual St., malapit sa Brgy. Hall ng Brgy. San Roque ng lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa tahanan ng mga biktima na gawa sa mahihinang uri ng materyales at idineklarang under control ang sunog alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula, alas-7:53 ng umaga.

Tumambad sa mga nagrespondeng bumbero ang walang malay na katawan ng mga biktima sa loob ng naturang bahay kaya kaagad silang isinugod sa Navotas City Hospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa ‘smoke inhalation’.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigas­yon ng mga awtoridad upang alamin ang pinagmulan ng sunog.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with