^

Police Metro

Mag-ina pinatay ng selosong lover boy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay ang mag-ina matapos silang barilin ng dating lover boy ng 38-anyos na ginang, naganap kahapon sa bayan ng Carcar, Cebu City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jennive, 38, at anak nitong si Valerie Megan Abella, 14, grade 8 student at kapwa residente ng Sitio San Roque, Barangay Valladolid, Carcar.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jetur Lapiña, 64, real estate agent at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Rolando Barraquio, hepe ng Carcar City Police Station, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-ina sa naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at si Jennive hanggang sa makarinig na lamang ng mga putok ng baril ang kanilang kapitbahay.

Dito nakita na lamang nilang duguan ang mag-ina kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay nadatnan  ang mag-ina na may mga tama ng bala .45 kalibre na baril sa tiyan at kapwa wala ng buhay.

Sa pahayag naman ng kapatid ng biktima na si Jennive, madalas nagtatalo ang suspek dahil sa selos ng huli.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with