Pagbaha dahil sa baradong kanal at dam solusyunan na - Rep. Robes
MANILA, Philippines — Umapela si San Jose del Monte City Lone District Representative Rida Robes sa pamahalaan na magsagawa ng inventory sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig na ginagawang tapunan ng basura o tinatuan ng mga istraktura na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Robes na kailangan nang kumilos ang mga ahensiya ng pamahalaan upang masolusyunan ang mga pagbaha sa tuwing may bagyo at pumipinsala sa bilyong halaga ng mga panananim at imprastraktura.
Batay sa Climate Change Knowledge Portal, sinabi ni Robes na nasa 565 na mga pagbaha, lindol, tsunami at landslide na ang dumating sa bansa simula pa noong 1990. Aniya, ang Pilipinas ay nasa Northwestern Pacific Basin at at sentro ng mga cyclones kung saan nasa 20 bagyo kada taon ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.
Inihalimbawa ni Robes ang bagyong Carina kung saan nasa higit 1-milyong pamilya mula sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 7, 10, Calabarzon, MIMAROPA at National Capital Region (NCR) ang apektado habang ang bagyong Kristine naman ang nanalasa sa Bicol region at nagpadapa sa biyahe, kabuhayan ng mga residente, pakasawi at pagkawala ng ilang indibiduwal at pag-apaw ng mga ilog kabilanng ang 94km Bicol River.
Isinisisi ni Robes ang mga pagbaha sa rehiyion sa kawalan ng drainage system, basura at mga istraktura na bumabara sa waterways. Patuloy lamang aniya na mararanasan ng bansa ang mga sitwasyon at pangyayari kung hindi pa rin kikilos ang pamahalaan.
“It is for this reason that I call upon the members of this august chamber, now is a crucial time for us to legislate laws protecting our environment, waterways and strengthen flood control projects to mitigate disaster risk and adapt to the effects of climate change. What can we do to address these issues?” ani Robes.
- Latest