2 basurero nagtalo sa basura, 1 dedo
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang basurero nang pagsasaksakin ng lasing na kasamahan nito sa mainitan nilang pagtatalo sa Paco, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ang nasawing biktima dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Shepherd Mirafuentes, 36, habang nakatakas naman ang suspek na si Rolando Washington, 43, bitbit ang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Pope Pius XII Catholic Center sa United Nations Avenue, Paco, Manila.
Nauna rito, nakita umanong nagtatalo ang biktima at lasing na suspek tungkol sa mga basura nang bigla na lamang pagsasaksakin ang biktima.
Nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis nang tumakas ang suspek na tugis na ng mga otoridad.
- Latest