9 nasawi kay ‘Pepito’, 11 sugatan, higit 3 milyong katao apektado
MANILA, Philippines — Umakyat na sa siyam katao ang nasawi, 11 ang sugatan, 3 pa ang missing at mahigit 3 milyon ang apektado sa iniwang pinsala ni supertyphoon Pepito sa ilang rehiyon sa bansa partikular na sa Bicol Region at ilang bahagi ng northern Luzon.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator at National Disaster Risk and Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, kabilang sa mga nasawi ay pitong miyembro ng pamilya sa Ambaguio, Nueva Vizcaya sa kasagsagan ng hagupit ni Pepito. Habang dalawa pa katao ang nawawala sa nasabing trahedya.
Ang dalawa naman ay nasawi, sa landslide sa Asipulo, Ifugao. Ang isa pa na nasawi sa Camarines Norte na nakuryente sa nakalaylay na kable ng communication lines na inianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay hindi naman ibinilang ng NDRRMC sa mga nasawi dahilan sa patuloy pa ang ebalwasyon.
Inihayag ni Napomuceno na nasa mahigit 3,031,171 milyong katao ang kabuuang naapektuhan na naninirahan sa 5,859 barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Cordillera.
- Latest