MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawang indibidwal ang iniulat na nasugatan habang nasa 852,000 katao na ang naapektuhan sa paghagupit ni super typhoon Pepito sa mga apektadong lugar sa bansa.
Ayon sa NDRRMC, nasa 111,658 pamilya o katumbas na 852,475 katao ang naapektuhan ng naturang bagyo at sa nasabing bilang ay nasa 75,581 ang nasa mga evacuation centers habang 36,077 naman ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa mga ligtas na lugar.
Ang mga naapektuhang katao ay mula sa Ilocos (Region 1) ; Region 2 ( Cagayan Valley ); Region 3 (Central Luzon), Region 5 (Bicol Region); Cordillera Administrative Region (CAR). Idinagdag pa dito ang mga napaulat na apektado naman sa CALABARZON (Region IV A) na hinihintay pa ng NDRRMC ang opisyal na report.