^

Police Metro

Bagong bagyo, nakapasok na sa Luzon – PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bagong bagyo, nakapasok na sa Luzon – PAGASA
Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Typhoon Nika ay namataan ng Philippine Atmospheric Geo­physical and Astronomical Administration (PAGASA) sa layong 1,145 kilometro ng silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.
PAGASA

Magla-landfall sa Isabela o Aurora bukas

MANILA, Philippines — Matapos ang paghagupit ng bagyong Marce, isang binabantayang isang Low Pressure Area (LPA) ang ganap na ring naging bagyo sa silangan ng southeastern Luzon at ito ay tatawaging Bagyong Nika.

Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Typhoon Nika ay namataan ng Philippine Atmospheric Geo­physical and Astronomical Administration (PAGASA) sa layong 1,145 kilometro ng silangan ng  Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang Signal number 1 ng bagyo  sa Catanduanes

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Nika ay kikilos sa pakanluran hilagang kanluran sa forecast period.

Ang naturang bagyo ay inaasahang mag-landfall sa Isabela o Aurora sa dara­ting na Lunes, November 11.

Ayon sa PAGASA, bahagyang lalakas ang bagyong Nika at maaabot ang severe tropical storm category sa Lunes bago bumagsak sa lupa.

Hihina ang bagyo oras na dumaan sa may terrain ng mainland Luzon pero mananatili itong isang severe tropical storm.

Ngayong Linggo, ina­asahan na si Nika ay nasa layong 650 kilometro ng silangan ng Infanta, Que­zon at nasa layong 215 kilometro ng silangan ng Southeast Echague Isabela.

LPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with