Walang trabahong Pinoy bumaba sa 1.89 milyon nitong Setyembre - PSA

Photo dated Jan. 23, 2023: Individuals seek job opportunities during a mega job fair at a mall in Metro Manila.
Photo by Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa 1.89 milyon noong Set­yembre ng taong ito mula sa 2.07 milyon noong Agosto.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate ay nasa 3.7% noong Set­yembre, na mas mababa kaysa sa 4.0% noong nakaraang buwan.

Samantala, ang rate ng trabaho sa bansa noong Setyembre ay tumaas sa 96.3% na nagpapakita ng isang pagpapabuti mula sa 96.0% noong Agosto at 95.5% noong Setyembre 2023.

Isinalin ito sa 49.87 milyong Pilipino na may trabaho noong Setyembre, kumpara sa 49.15 milyon noong Agosto.

Sinabi ni Mapa na mayroon ding 5.94 mil­yon mula sa 49.87 mil­yong may trabahong indibidwal na nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho, magkaroon ng karagdagang trabaho, o magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras ng trabaho.

Nangangahulugan ito na ang underemployment rate noong Setyembre ay tumaas sa 11.9% mula sa 11.2% noong Agosto 2024.

Show comments