^

Police Metro

‘Marce’ posibleng tumama sa mga lugar na hinagupit nina ‘Kristine’, ‘Leon’

Angie dela Cruz - Pang-masa
‘Marce’ posibleng tumama sa mga lugar na hinagupit nina ‘Kristine’, ‘Leon’
Weather forecaster Veronica Torres provides an update on Tropical Storm #MarcePH’s track just hours after it entered the Philippine area of responsibility on November 4, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Pagasa sa mga lugar na hinagupit ng mga Bagyong Kristine at Leon dahil maaari silang muling ba­yuhin ng bagyong Marce.

“Dito sa may track ni Marce, na halos ‘yung dadaanan niyang area ay nasa gitna nina Leon at Kristine kaya ‘yung mga areas na naapektuhan nu’ng previous na dalawang bagyo ay kailangan natin maghanda,” paha­yag ni PAGASA weather forecaster Veronica Torres sa isang press briefing.

Posible ring lumakas bilang typhoon ang Tropical Storm Marce, ayon sa Pagasa, ngayong ­Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Dagdag nito, ang pinakamataas na wind signal na maaaring itaas sa panahon ng paglitaw ni “Marce” ay Wind Signal No. 4.

Bahagyang lumakas si “Marce” ngunit nananatili sa kategoryang tropical storm.

Huli itong namataan sa layong 775 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilo­metro bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.

vuukle comment

KRISTINE

LEON

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with