Tatlong bata nilamon ng ilog

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang tatlong bata matapos malunod sa paliligo sa ilog sa pagitan ng Brgy. J. Abad Santos at Brgy. San Juan Bag-o, Bulan, Sorsogon, kamakalawa ng tanghali.

Ilang oras bago nahanap at naihaon ng mga responders ang mga biktima na kinilalang sina “Alma” at “Nilda”, kapwa 8-anyos at grade 3; at “Maricris”, 9-anyos, na isang grade 4 pupil pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga kasama ang ilan pang mga kalaro ay magkakasamang nagtungo ang mga biktima sa ilog upang maligo.

Gayunman, napunta ang tatlo sa malalim na bahagi at nakita ng mga kasamang nalulunod kaya mabilis na kumuha sila ng kahoy na makakapitan ng mga biktima.

Sa lakas ng agos ng tubig ay hindi kinaya ng mga ito at tuluyang hinila pailalim ang mga biktima.

Show comments