Alitan sa lupa: 19 katao napatay
MANILA, Philippines — Nasawi ang nasa 19 katao nang magkaengkuwentro ang dalawang grupo ng Moro naganap sa Barangay Kilangan sa Pagalungan, Maguindanao del Sur,kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang isa sa dalawang nagbarilan ay mga grupo nina Alonto Sultan at kanyang mga kamag-anak sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang isa naman naman ay pinamumunuan ng isang MILF commander na si Ekot Dandua at isang alyas Bawsi.
Kinumpirma ng mga municipal officials at ng pulisya na 19 na miyembro ng dalawang grupo ang nasawi at hindi bababa sa 2,000 naman na mga inosenteng residente ang apektado ng kaguluhan.
Nabatid na matagal ng may alitan sa kontrol ng 280 ektaryang lupa sa Sitio Gageranin sa Barangay Kilangan sa Pagalungan ang dalawang grupo.
Sa ulat ng mga barangay officials at ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya, unang nagka-tensyon nitong Miyerkules sa Sitio Gageranin nang dumating sina Sultan at kanyang mga kasamang kasapi ng MILF at sumiklab na ang engkwentro nang lapitan sila ng mga miyembro rin ng kabilang grupo na umaangkin na sila ang mga aktwal na mga magsasaka sa lugar at protektado ng Comprehensive Agrarian Reform Law, o Republic Act 6657.
- Latest