MANILA, Philippines — Humina na ang bagyong Leon habang papalapit sa orchid islands sa Southern Taiwan.
Ayon sa PAGASA, namataan alas-11:00 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyong Leon sa layong 155 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 215 kilometro bawat oras.
Dulot nito nakataas ang Signal no. 3 ng bagyo sa Batanes at Signal no. 2 sa Babuyan islands habang Signal no. 1 sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias), Ilocos Norte, at Ilocos Sur
Si Leon ay nag-landfall sa eastern coast ng Taiwan ng Huwebes ng hapon makaraang tumawid sa landmass ng Taiwan.Si Leon ay babalik sa northeastward sa Taiwan Strait papuntang silangan ng China Sea at saka lalabas ng Philippine Area of Responsibility gabi ng Huwebes o umaga ngayong Nobyembre 1.