BI inaasahan ang mas maraming airport passengers ngayong Undas 2024

MANILA, Philippines — Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Bureau of Immigration (BI) sa inaasahang pagdagsa ng bilang ng mga pasahero na darating sa mga paliparan ngayong long weekend dahil sa Undas.

Sa pagtaya ng BI, mas marami ang mga pasaherong darating sa mga paliparan ngayong taon, kumpara noong 2023, kung kailan ang Undas ay natapat ng weekdays.

Ayon sa BI, dahil natapat ng weekend ang Undas 2024, maaaring umabot sa 41,000 hanggang 47,000 ang daily passengers na darating sa Pilipinas habang ang daily departures naman ay maaaring umabot ng mula 43,000 hanggang 48,000.

Ito ay bahagya umanong mas mataas kumpara sa daily tallies noong nakaraang taon, na nasa average lamang na 37,000 pasahero na palabas ng bansa at 36,000 naman sa arrivals.

Nagpatupad na rin ang BI ng ‘no leave policy’ sa kanilang mga empleyado habang nagpakalat na rin sila ng karagdagan pang 58 bagong immigration officers.

Show comments